Oh Ondoy
September 29, 2009Halos lahat yata naranasan ang lupit ni Ondoy. Madami na kong naranasang baha pero eto yung nagpakaba sa kin. Nagpalubog ito sa halos malaking bahagi ng Metro Manila. Nagmistulang dagat ang mga siyudad sa lakas ng rumaragasang tubig baha. Malungkot man isipin pero halos kulang na ang kakayahan ng gobyerno para matulungan tayo. Tanging tulong na lamang mula sa ating mga kaibigan at kapitbahay ang naging sandigan natin. Kahit papano lumabas pa din kagandahang loob ng iilan. Panalangin ang higit na kailangan ng marami at ang magpatuloy sa kabila ng trahedyang ito. Maraming buhay man ang nawala, magsilbi sana sa ating aral ang trahedyang ito. Maraming nagsasabing eto na ang banta ng nagbabagong klima.
Para po sa mga gustong tumulong dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, makipag-ugnayan na lang po tayo sa mga sumusunod na mga organisasyong nakalista sa google site na ito:
http://www.google.com/landing/typhoon-ondoy.html
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




