Bakla sa Baha
September 29, 2009Hindi ko kinaya ang trip ng hitad na ito. Sa kabila ng baha nakuha pang magpose na ala sexy star ang lola mo. Sa kabila ng mga seryosong mga larawan sa net ng tungkol sa bagyong Ondoy ito ang isa sa mga nakapagpatawa sa kin. Hahaha
Source: http://noisyman.tumblr.com/
Oh Ondoy
Halos lahat yata naranasan ang lupit ni Ondoy. Madami na kong naranasang baha pero eto yung nagpakaba sa kin. Nagpalubog ito sa halos malaking bahagi ng Metro Manila. Nagmistulang dagat ang mga siyudad sa lakas ng rumaragasang tubig baha. Malungkot man isipin pero halos kulang na ang kakayahan ng gobyerno para matulungan tayo. Tanging tulong na lamang mula sa ating mga kaibigan at kapitbahay ang naging sandigan natin. Kahit papano lumabas pa din kagandahang loob ng iilan. Panalangin ang higit na kailangan ng marami at ang magpatuloy sa kabila ng trahedyang ito. Maraming buhay man ang nawala, magsilbi sana sa ating aral ang trahedyang ito. Maraming nagsasabing eto na ang banta ng nagbabagong klima.
Para po sa mga gustong tumulong dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, makipag-ugnayan na lang po tayo sa mga sumusunod na mga organisasyong nakalista sa google site na ito:
http://www.google.com/landing/typhoon-ondoy.html
Gaydar
September 24, 2009Matagal ko nang planong gumawa ng blog na may kinalaman sa kabadingan. I want to share something on the web na makakapagbigay ng kakaibang pananaw na may kinalaman sa buhay, trabaho, at pag-ibig ng isang bading.
Hindi lamang ito tungkol sa sarili kong karanasan, pwede din itong karanasan ng isa sa mga nasa ikatlong kasarian na hanggang ngayon ay nakakaranas pa din ng diskriminasyon.
Sana sa mga susunod na mga blog entry rito ay maging bahagi ka na din. Pwede mo din ipadala sa kin ang iyong kwento at mag-email lamang sa gaydar.i.ph@gmail.com





