It's all about gayhood, love, work and everything.

Home

Booking

November 19, 2009

May pinakilalang guy ang barkada ko ng gabing iyon. He has the nice smile and really good looking. I told my friend na type ko yung guy, at sinabi din niya sa guy na bet ko siya. Hanggang sa nagkaroon na kami ng chance na magpalitan ng cel number. And after that naging txtmate na kami. Until now ay nagtitxt pa din siya and asking me to go out, and already set the date para magmeet kami ulit. I’m expecting something at alam kong siya din. Hope everything will be ok tomorrow.

Posted by gaydar at 7:22 pm | permalink | Add comment

Ipit Gang

November 5, 2009

So sad to hear that my gay friend was victimize by Ipit Gang last October 28 at around 3:30am. Halos magmakaawa siya sa mga ito dahil gusto na talaga siyang patayin ng isa sa mga limang miyembro ng gang, including the driver. Sakay siya ng taxi ng mangyari ang pangho-hold up sa kanya. For more info click this link:

 http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=518384&publicationSubCategoryId=65

Ingat po tayo. Nagsisimula na naman ang mga masasamang loob lalo na ngayon papalapit na ang pasko.

 

Posted by gaydar at 11:28 am | permalink | Add comment

Go Justine!

October 8, 2009

Last monday hindi ko naabutan yung episode ng Survivor Philippines: Palau because of my workload. But last night nagkaroon na ko ng chance at muntikan ko na namang hindi abutan ang episode kagabi dahil sa pagiging epal ng jeepney driver na nasakyan ko buti na lang nakaabot pa ko.

One of my bet is Justine Ferrer, isa siyang transexual at bumilib talaga ako sa kanya during her stay sa Survivor Philippines: Palau, although kaka-merge lang sana isa siya sa mga palarin na manalo, she really deserved that na makabalik pa sa game.

Pagpapatunay lang na hindi basta basta ang kakayahan nating mga bading. Na kahit na anong pagsubok, basta ibinigay ang puso at isip nagtatagumpay talaga tayo.

http://blogs.gmanews.tv/survivor-philippines/index.php/the-castaways/4-castaways/3-justine-the-beauty-queen

 

Posted by gaydar at 1:42 pm | permalink | Add comment

Bakla sa Baha

September 29, 2009

Hindi ko kinaya ang trip ng hitad na ito. Sa kabila ng baha nakuha pang magpose na ala sexy star ang lola mo. Sa kabila ng mga seryosong mga larawan sa net ng tungkol sa bagyong Ondoy ito ang isa sa mga nakapagpatawa sa kin. Hahaha

Source: http://noisyman.tumblr.com/

 

 

Posted by gaydar at 7:23 pm | permalink | Add comment

Oh Ondoy

Halos lahat yata naranasan ang lupit ni Ondoy. Madami na kong naranasang baha pero eto yung nagpakaba sa kin. Nagpalubog ito sa halos malaking bahagi ng Metro Manila. Nagmistulang dagat ang mga siyudad sa lakas ng rumaragasang tubig baha. Malungkot man isipin pero halos kulang na ang kakayahan ng gobyerno para matulungan tayo. Tanging tulong na lamang mula sa ating mga kaibigan at kapitbahay ang naging sandigan natin. Kahit papano lumabas pa din kagandahang loob ng iilan. Panalangin ang higit na kailangan ng marami at ang magpatuloy sa kabila ng trahedyang ito. Maraming buhay man ang nawala, magsilbi sana sa ating aral ang trahedyang ito. Maraming nagsasabing eto na ang banta ng nagbabagong klima.

Para po sa mga gustong tumulong dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, makipag-ugnayan na lang po tayo sa mga sumusunod na mga organisasyong nakalista sa google site na ito:

http://www.google.com/landing/typhoon-ondoy.html

 

 

Posted by gaydar at 6:48 pm | permalink | Add comment

Gaydar

September 24, 2009

Matagal ko nang planong gumawa ng blog na may kinalaman sa kabadingan. I want to share something on the web na makakapagbigay ng kakaibang pananaw na may kinalaman sa buhay, trabaho, at pag-ibig ng isang bading.

Hindi lamang ito tungkol sa sarili kong karanasan, pwede din itong karanasan ng isa sa mga nasa ikatlong kasarian na hanggang ngayon ay nakakaranas pa din ng diskriminasyon. 

Sana sa mga susunod na mga blog entry rito ay maging bahagi ka na din. Pwede mo din ipadala sa kin ang iyong kwento at mag-email lamang sa gaydar.i.ph@gmail.com

Posted by gaydar at 8:25 pm | permalink | Add comment